What caused the Vicky Bello, Hayden Kho breakup?3

Hindi ito ang unang pagkakataon na napabalitang nag-break sina Dra. Belo at Hayden. Nireport ng PEP nung September 3 na kumpirmadong nag-break ang dalawa noong gabi ng August 30, pero nagkabalikan din sila nang madaling-araw ng August 31. Samakatuwid, ilang oras lang ang itinagal ng kanilang paghihiwalay.

Sinasabi ngayon sa PEP ng isang non-showbiz female friend ni Dra. Belo na marami nang beses nag-break sina Vicki at Hayden. Yun nga lang daw, hindi na ito naibabalita. Gayunpaman, napakarami na raw ng bali-balitang nakakarating kay Dra. Belo tungkol kay Hayden.

Pero dito sa recent breakup lang nila nagkaroon ng ebidensiya na may ibang babae nga si Hayden. Ang naging kundisyon lang daw ni Dra. Belo kay Hayden, ayon sa non-showbiz female friend ay: "If she ever finds out that he is having an affair, whoever that is, if it should happen, she would leave." At iyon na nga raw ang nangyari.

Ayon sa isa pang source, "naaawa" si Dra. Belo kay Hayden ngayon. Pero gusto raw linawin ng beauty doctor na sa simula pa lang ay alam na niyang hindi magtatagal ang kanilang relasyon ni Hayden dahil sa age gap nilang 25 years.

Dalawa ang naging anak ni Dra. Belo sa dating asawang si Atom Henares, isang businessman: si Quark Henares, na nagdidirek sa TV at pelikula, at si Cristalle Henares, na namamahala ng Belo Essentials, ang cosmetics line ng Belo clinic. Pareho silang nakatira sa bahay ni Dra. Belo.

Bagamat sinabi ni Manay Lolit sa Startalk na nalulungkot si Cristalle dahil malungkot ang mommy niya, open secret na hindi kailanman natanggap ni Cristalle si Hayden para sa mommy niya.

Sa ilang kaibigan, naikuwento ni Cristalle ang isang insidenteng nagpatigas sa paniniwala nitong hindi mahal ni Hayden si Dra. Belo, kundi ginagamit lang ito. Ito ay noong binigyan ng mommy niya si Hayden ng kotse bilang birthday gift.

Ganito raw ang naging dialogue sa pagitan ni Cristalle at ni Hayden noon:

Hayden: Why are you against my relationship with your mom?

Cristalle: I don't know if I can trust you.

Hayden: You think I'm just using her?

Cristalle: Yeah, you're using her car.

Hayden: Why, does it bother you that I use the car?

Cristalle: Yes, I do.

Pagkatapos nito, inasahan ni Cristalle na isosoli ni Hayden ang kotse para mapatunayang mahal nito ang kanyang ina, at hindi lang naghahabol sa anumang mapapakinabangan sa mayamang duktora. Ngunit hindi ito nangyari. Hanggang sa mga araw na ito, na kay Hayden daw ang kotse.

Showbiz too hot to handle

Nagsisisi diumano si Dra. Belo na in-encourage niya si Hayden na pasukin ang showbiz.

Dapat kasi ay si Dr. Belo ang kasali sa Celebrity Duets last year. Pero dahil ayaw niya, si Hayden ang pinasali niya. Todo ang suportang ibinigay ni Dr. Belo kay Hayden, to the point na ikinuha pa niya ito ng voice coach para sa pagsali niya sa Celebrity Duets, at ginastusan ang lahat ng iba pang logistics ng paghahanda para sa contest. Bukod pa rito ang text votes na itinulak niya para kay Hayden.

Ito na rin ang nagbukas ng pinto para kay Hayden na pasukin ang showbiz. Nagkaroon siya ng papel sa mga teleseryeng Marimar at Ako Si Kim Samsoon.

Ayon sa isang kaibigan ni Dr. Belo, dito na raw nagsimulang gumulo ang kanilang buhay. "Hayden couldn't handle the fame and the fortune," sabi pa ng aming source.

Life after Hayden

Noong Biyernes, December 19, ay host si Vicki sa Christmas party ng Belo Medical group. Napansin ng isang non-showbiz friend ni Dra. Belo, "Pumayat siya, but she looked all right, she seemed happy."

Pero ayon sa isa pang guest, nang kumustahin niya si Vicki, tugon nito, "I'm a walking zombie." Ito rin ang sinabi ni Manay Lolit sa Startalk, na pakiramdam daw ni Dra. Belo ngayon ay para siyang "walking zombie." Dagdag ni Manay Lolit, "Parang walang laman yung utak niya. She feels sad, she feels at loss. Ganun."

Ayon pa rin sa isa pang showbiz insider, pinalitan na rin daw ni Dra. Belo ang number ng kanyang cell phone.

"Ang hiwalayang Vicki-Hayden ay final na." Ito ang pagkumpirma ng non-showbiz friend ni Vicki. Sa kanya sinabi raw ni Dr. Belo na "tapos na ang lahat sa kanila ni Hayden, hindi na babalik si Vicki kay Hayden, it's over."

Ito ay sa kabila ng sinabi ni Manay Lolit sa Startalk, "Pagkakasalita ni Vicki, sabi niyang ganun, pag humingi ng tawad sa kanya si Hayden, magsu-soften up siya. Kaya, as of now, ayaw niya munang makausap si Hayden."

Subalit umaasa ang karamihan ng mga kaibigan ni Dra. Belo na final na nga ang decision niyang huwag nang makipagbalikan kay Hayden.

Plano ni Dra. Belo na rito sa Pilipinas mag-celebrate ng Pasko, although nababalitang aalis siya ng bansa para mag-recuperate mula sa breakup.

As for Hayden, balitang magpapahinga muna siya sa bahay ng kanyang ina sa Marinduque. Titigil na rin daw sa pag-aartista si Hayden, na incidentally ay hina-handle ni Manay Lolit. Sa katunayan, ayon sa aming source, tinanggal na siya sa cast ng upcoming GMA soap na All About Eve.

Page 1-2-3